HACIENDA LUISITA
Ang Hacienda Luisita ay naging isang simbolo ng kasalukuyang estado ng agrarian reform sa Pilipinas bilang patungkol sa isyu ng pagmamay-ari ng lupa sa pagitan ng mga magsasaka na naghihirap sa hacienda laban sa mga mayayamang pamilya na nagmamay-ari ng lupa na umaabuso na sa mga karapatan sa lupa. Ito ay tumutukoy sa usapin kung sino ang nagmamay-ari at kung sino ang hindi, kung paano ginagamit ang lupa at kung sino ang nakakatanggap sa pagbabahagi ng mga ani ng lupa.Ang paglutas ng Supreme Court ay may magandang epekto sa reporma sa agraryo sa bansa upang protektahan ang mga karapatan ng magsasaka, magbigay ng mga pantay-pantay na pagkakataon para sa mga magsasaka at mga may-ari ng lupa, upang madagdagan ang trabaho at magbigay ng patas na halaga para sa mga Pilipinong magsasaka upang mapaginhawa nila ang kanilang pamilya mula sa kahirapan.
Ang Hacienda Luisita ay naging isa sa mga pinakamatagal na kontrobersyal na isyu sa bansa dahil nasasngkot dito ang pamilya ng pinakabagong presidente ng republika ng Pilipinas, ang mga Cojuangco. Ang desisyong ginawa ng Supreme Court ay ang magtatapos sa mahabang bangayan tungkol sa pagmamay-ari ng lupa sa Hacienda Luisita sa pagitan ng mga Cojuangco at mga magsasaka roon.
Malinaw ang maraming bagay para sa mga magsasaka ng Hacienda Luisita, na ilang dekada nang nakikipaglaban para sa kanilang lupa. Para sa kanila, matagumpay, ngunit “inisyal” pa lamang, ang desisyon ng Korte Suprema na ipamahagi ang asyenda. Malinaw sa kanila na hindi “kampeon” ng repormang agraryo si Chief Justice Renato Corona. Katunayan, marami umanong butas ang desisyon ng Korte Suprema, na siguradong gagamitin ng mga Cojuangco para takasan ang pamamahagi ng lupa. Kaya’t malinaw din sa kanila na hindi pa tapos ang laban. Ang 6,296 na makikinabang ng mahigit kulang-kulang na P1,330,511,500 mula sa pagbabago at pagbebenta ng ilang lupa. Ang datinh 6,435 hectares na lupa ay ngayon bumaba sa 4,334 hectares dahil ang ibang bahagi ng lupa ay ibinenta sa mga industrial companies.